Sumampa na sa 1,741 ang bilang ng nasawi sa Spain at Portugal dahil sa heat wave.
Batay sa datos ng Carlos 3 Institute, Public Health Institute sa Spain, sumampa sa 678 ang nasawi sa kanilang bansa simula July 10 hanggang 17.
Habang 1,063 naman ang namatay sa Portugal dahil sa init ng panahon na naitala mula July 7 hanggang 18.
Unti-unti na ring nararanasan ang init ng panahon sa France at United Kingdom na nagbabanta ng posibleng forest fire.
Noong Martes, nakapagtala ang UK ng 40 degree celsius na init ng panahon na pinakamataas sa buong Europe.