Sumampa na sa mahigit 100 ang nasawi sa serye ng forest fire sa Portugal.
Ayon sa Portuguese Civil Protection Agency, pinakamatinding naapektuhan ng sunog na nagsimula pa noong Hunyo ang Pedrogao Grande at Pinhal Regions kung saan naabo ang nasa 280,000 ektaryang kagubatan.
Dahil dito, nagbitiw na si Portuguese Interior Minister Constanca Urbano de Sousa at isinumite na ang kanyang resignation kay Socialist Prime Minister Antonio Costa.
Hahalili naman kay De Sousa si Deputy Prime Minister Eduardo Cabrita.
—-