Lumobo na sa 545 na mga Doktor ang namatay sa COVID-19 sa Indonesia.
Samantala, 114 na Doktor ang nadagdag sa listahan ng fatalities, simula Hulyo 1.
Ito na sa ngayon ang pinakamataas na bilang ng fatalities sa loob lamang ng dalawang linggo, sa gitna ng patuloy na pagsirit ng kaso ng mas nakahahawang delta variant sa nabanggit na bansa.
Ayon sa Indonesia Doctors Association, nakaa-alarma na ang pagtaas ng bilang ng namamatay nilang kasamahan at ang posibleng pagbagsak ng medical system sa Indonesia.
Dahil dito, ipinagamit na ng Indonesian government ang Moderna vaccines bilang booster shots sa Sinovac para sa kanilang mga healthcare worker.—sa panulat ni Drew Nacino