Inilibing na ang Pinay worker na namatay sa kamay ng kanyang amo sa Kuwait.
Ang labi ng OFW na si Constancia Dayag ay inihatid sa huling hantungan sa kanyang sinilangang bayan sa Angadanan, Isabela, kahapon.
Dinaluhan mismo ni Labor secretary Silvestre Bello III ang libing ni Dayag at tiniyak ang patuloy na paghahanap ng hustisya para sa nasawing OFW.
Kasabay nito, muling umapela ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya ni Dayag para mabigyan ng hustiya ang pagkamatay ng kanilang mahal buhay.
Duda ang pamilya ni Dayag sa resulta ng forensic report sa Pinay worker kung saan nakasaad na natural cause ang sanhi ng pagkamatay nito.
Sa ngayon, ipinagharap na sa kasong felony murder ang amo at itinuturing na pangunahing sa pagkamatay ni Dayag na si Bader Ibrahim Mohammad Hussain.