Aminado ang Department Of Health (DOH) na umabot na sa 10k doses ng COVID-19 vaccine ang nasayang simula noong lumarga ang vaccination sa Pilipinas.
Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, isa sa pangunahing dahilan umano ay ang ‘temperature excursion’ o pagkatunaw ng mga bakuna matapos ilagak ng matagal sa freezer.
Mayroon rin anyang pagkakataon na nawalan ng kuryente at hindi agad naisaksak ang freezer nang bumalik na ang suplay nito habang sa ibang lugar ay nabasag, walang label o may mga nahulog.
Sa kabila nito, tiniyak ni Cabotaje na maituturing na maliit na bahagi lamang ito ng mahigit 40 milyon doses na naiturok.——sa panulat ni Drew Nacino