Aabot sa 4.7% ng COVID-19 vaccines ang maituturing na wastage o nasayang mula sa kabuuang bilang ng bakuna na natanggap ng Pilipinas.
Kinumpirma ito ni outgoing Health Secretary Francisco Duque III, kung saan nilinaw nito na ang nasabing bilang ay mababa sa 10% ng “Allowable vaccine wastage” ng World Health Organization.
Sa datos ng National Task Force Against COVID-19, na kinumpirma ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, aabot sa 245, 382, 600 COVID-19 vaccines ang nai-deliver sa bansa.
Samantala, ayon naman sa National Vaccination Operations Center, nasa 154, 132, 506 vaccine doses na ang naiturok hanggang nitong Hunyo a-26.