Nasa 12,686 COVID-19 vaccines na ang nasayang mula sa mahigit 87 milyon na bakunang natanggap ng Pilipinas, simula noong Marso.
Kinumpirma ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, Chairperson ng National COVID-19 vaccination operations center, na karamihan sa mga nasayang na bakuna ay nasira dahil sa pabago-bagong temperatura.
Mayroon din anyang nasunog tulad sa Cotabato at San Nicolas, Ilocos Norte, may nahulog habang ang iba ay walang label kaya’t hindi naiturok.
Tinaya naman ni Cabotaje sa P6.8 na milyon ang halaga ng mga nasayang na bakuna.—sa panulat ni Drew Nacino