Maituturing na ngang ‘Kid No More’ si Nash Aguas dahil bukod sa pagiging abala sa showbiz career, isa na rin itong ganap na businessman.
Kamakailan lamang ay nagbukas ito ng isang Japanese Restaurant na pinangalanang ‘Muramen’ na matatagpuan sa University Belt.
Ka-partner ni Nash sa kanyang kauna-unahang negosyo ang kanyang Goin’ Bulilit co-star na si Carl Barrameda.
Salaysay ni Nash, nag-desisyon sila na Japanese food ang gawing business dahil malaking fan daw siya nito kahit noon pa man.
Samantala, ibinahagi din niya na inaalalayan naman sila ng kanilang mga magulang pagdating sa finances pero binibigyan din umano sila ng kalayaan para mag desisyon.
- Race Perez