Inilipat sa ibang posisyon ang suspendidong labor attaché na si Nasser Mustafa sa Riyadh, Saudi Arabia.
Gayunman, hindi binanggit sa liham ni Labor Secretary Silvestre Bello III kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. kung anong bagong assignment ang ibinigay niya kay Mustafa.
Naging kontrobersiyal si Mustafa noong Oktubre 2020 matapos itong akusahan ng isang Herbert Mayores ng pangingikil sa mga recruitment agencies at panggigipit umano sa kanyang asawa.
Dahil naman sa sinasabing paninira sa kanyang reputasyon, sinampahan ng kasong cyber libel ni Mustafa ang mag-asawang Mayores.