Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi overloaded ang Fast Craft na nasunog sa Real, Quezon noong Mayo 23.
Ayon sa PCG, 180 ang kapasidad ng MV Mercraft 2 pero 157 lamang ang sakay nito nang maganap ang trahedya, batay sa imbestigasyon ng PCG-Station Northern Quezon.
Taliwas ito sa unang napaulat na 134 ang sakay ng nasunog na vessel.
Inaalam na kung bakit ang hindi isinama sa naunang manipesto ang 23 pasahero.
Pito ang nasawi habang 29 ang sugatan at 121 ang nailigtas.
Patuloy namang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog sa nasabing Fast Craft.