Sinimulan na ngayong araw ang paggiba sa nasunog na New City Commercial Center o NCCC mall sa Davao City.
Ayon kay Thea Padua, Public Relations Manager ng NCCC mall, plano nila muling tayuan nang panibagong mall ang lugar ngunit wala pa aniya silang pinal na detalye kaugnay dito.
Una nang inirekomenda ng mga awtoridad na i- demolish ang nasabing gusali matapos itong masunog sa loob ng isang linggo noong Disyembre nang nakaraang taon.
Tinatayang nasa tatlumpu’t walo katao ang nasawi sa nasabing sunog matapus na ma-trap sa ika-apat na palapag ng gusali kung saan naroon ang isang BPO company.