Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na wala nang pakinabang ang natagpuang election-related documents sa bakanteng lote sa Amadeo, Cavite.
Ayon kay COMELEC commissioner George Garcia, basura na ang mga balota at election paraphernalia na nakasilid sa itim na kahon.
Gayunman, itutuloy pa rin ng COMELEC ang imbestigasyon para hindi mabalik sa kanila ang sisi.
Unang kumalat sa Facebook ang video at larawan ng mga black box sa Cavite na naglalaman ng Election Returns, ink, stamp pads, secrect folders at iba pang gamit sa halalan.