Umakyat na sa 30 ang natagpuang patay sa pagguho ng lupa sa Barangay Patitinan, Sagñay, Camarines Sur.
Nakuha kahapon ang karagdagang labi ng limang miyembro ng isang pamilya sa Sitio Igot.
Nakatakda namang ngayong araw na pasukin ng mga rescuer ang Sitio Garang na hindi pa rin napapasok ng mga otoridad.
Tinatayang nasa anim hanggang walong ektarya ang natabunan sa nasabing lugar ng gumuhong bundok.
Batay sa pagtaya ng MDRMMO sa Sagñay, nasa mahigit 50 bahay ang natabunan sa lugar.
Bukod dito, pinangangambahan ding natabunan ng lupa ang mga dumadaang sasakyan sa national highway ng Sitio Garang.