Kinumpirma ng misis ng Korean kidnap victim na si Jee Ick Joo pag-aari ng kanyang asawa ang set ng golf club na narekober sa Gream funeral homes, sa barangay Bagbaguin, Caloocan City na pinagdalhan sa labi ng dayuhang negosyante.
Ayon kay Supt. Dennis Wagas, legal officer ng PNP-anti-kidnapping group, nagtungo sa kanilang tanggapan si Choi Kyung Jin, asawa ni Jee upang silipin ang 14 na golf clubs and covers.
Naghagilap anya ng mga ebidensya ang mga pulis sa punerarya tulad ng mga armas subalit nabigo at tanging mga golf club set ang natagpuan.
Naniniwala si Wagas na isang malaking development sa kaso ang pagkaka-diskubre sa golf set ng biktima.
By: Drew Nacino