Patay ang isang natalong kandidato sa pagka barangay chairman matapos barilin sa ulo sa loob ng mismo ng kanyang bahay sa Rizal kaninang 8:00 ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Rodolfo Lico, tumakbong kapitan sa Barangay San Isidro, Antipolo.
Ayon sa Antipolo City Police, nagpanggap na delivery boy ang salarin kaya nakapasok ito sa bahay ng biktima.
Land grabbing naman ang tinitingnang anggulo ng mga otoridad sa krimen lalo’t batay sa record ng Barangay San Isidro at Antipolo City Police, maraming kinahaharap na kasong may kinalaman sa pangangamkam ng lupa si Lico.
Inalis na rin ng pulisya ang anggulong pulitika dahil nangyari ang krimen nang matapos na ang eleksyon.