Bilang na ang mga araw ng mga small scale miners na iligal na nagmimina sa iba’t ibang bahagi ng bansa
Ito’y makaraang lumagda sa isang memorandum of agreement ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para puksain ang iligal na pagmimina, pagto-troso, pangingisda at maging ang polusyon
Kabilang sa mga ito ay ang DENR, DILG, Department of Transportation, Defense Department, AFP, PNP at Philippine coast guard
Pinangalanan naman ni DENR Secretary Gina Lopez ang grupo bilang National Anti-Environmental Crimes Task Force na siyang magiging katuwang laban sa mga lumalabag sa batas ng kalikasan
By: Jaymark Dagala