Kinumpirma ng De La Salle University o DLSU na pumanaw na sa edad na 76 ang national artist for literature na si Dr. Cirilo Bautista.
Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang DLSU Department of Literature matapos nitong i-post sa Facebook ang pagkamatay ni Bautista na kilala ring celebrated poet, author, critic, columnist, at propesor.
Kapwa nagtapos na cum laude si Bautista sa University of Santo Tomas’ AB Literature Program at Saint Louis University MA Literature sa Baguio City.
Naging propesor naman si Bautista sa San Beda College at DLSU kung saan nito nakamit ang kanyang doctorate.
Ayon naman sa National Commission for Culture and the Arts, na isa rin siya sa mga dahilan kung kaya’t naitatag ang Bienvenido Santos Creative Writing Center, Philippine Literary Arts Council noong 1981, the Iligan National Writers Workshop noong 1993 at Baguio Writers Group.
Kabilang din si Bautista sa mga awardee ng Palanca Awards Hall of Famer.