Paiigtingin ng pamahalaan ang National Broadband Program (NBP) ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na inaasahang malaki ang maitutulong sa “new normal”.
Karamihan kasi sa mga transaksyon sa ilalim ng new normal ay online na.
Dito, inaasahan na ang NBP ang magbibigay ng mas mabilis at mahusay na koneksyon ng broadband sa lahat ng mga pampublikong sektor sa bansa.
Kabilang rito ang mga pampublikong ospital, pampublikong paaralan, at iba pang pampublikong lugar.
Samantala, suportado naman ni DICT Undersecretary Eliseo Rio Jr. ang pag utilize sa NBP lalo na aniya para sa Balik Probinsya Program ng gobyerno.