Hindi pa rin matukoy ng Palasyo ng Malakanyang kung kailan pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.1T national budget para sa susunod na taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mahigpit na pinag aaral at binubusisi ng Pangulo ang niratipikahang budget ng Bicameral conference committee.
Aniya, naninindigan pa rin ang Pangulo na i ve-veto niya ang budget oras na may nakita siyang hindi ayon sa batas.
Magugunitang una nang ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson na mayroon umanong bilyong bilyong pisong insertion sa naturang proposed budget.