Pinaplantsa na sa Senado ang pagpasa para sa P5-trilyong national budget para sa 2022.
Sa interview ng DWIZ kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, inaasahang maaaprubahan ng Senado sa Huwebes ang napagkasunduang panukala kung saan, ipa-pasa ang General Appropriations Bill o GAB kay Pangulong Rodrigo Duterte makalipas ang isang linggo.
Nabatid na pinayagan ng Original Senate Committee Member and House of Representatives Bicameral Conference Committee Panels na si Senator Sonny Angara, Chairman ng Senate Finance Committee at Head ng Senate Panel, at ng kanyang house counterpart ang paplantsa sa hindi magkatugmang probisyon sa budget bills kabilang na dito ang budget na ilalaan para sa National Task Force To End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.
Tiwala naman si Zubiri na maipapasa ang naturang panukala sa third and final reading. —sa panulat ni Angelica Doctolero