Napapanahon na upang baguhin ang sistema o pamamaraan sa pagtatayo ng mga bahay at gusali na akma sa mga kalamidad tulad ng bagyo, lindol at pagbaha.
Ayon kay Barangay Health Wellness Partylist Rep. Angelica Natasha Co, dapat nang gawing integrated ang umiiral na Republic Act 6541 o ang National Building Code.
Paliwanag ni Co, layunin aniya nito na maging disaster resilient ang lahat ng mga gusali at kabahayan sa bansa lalo’t taon-taon na lang ay nakararanas ang bansa ng mga sakuna.
Hiniling din ng mambabatas sa mga eksperto sa architecture, engineering, housing, urban at environmental development na tumulong para maamiyendahan ang batas.