Handa na ang National Capital Region Police Office para sa taunang paggunita sa Undas.
Ayon kay N.C.R.P.O. Chief, Dir. Oscar Albayalde, nasa 5,300 pulis ang kanilang idedeploy sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila simula October 31 hanggang November 1.
Katuwang ng N.C.R.P.O. ang nasa 3700 barangay tanod, 9100 security guards at 1000 civilian volunteer upang matiyak ang seguridad para sa Undas bilang bahagi ng security patrol.
Nakipagtulungan din anya sila sa Local Government Units at iba pagn government agencies sakaling magkaroon ng mga aberya.
Pangunahing tututukan ng N.C.R.P.O. ang 82 sementeryo, 21 columbarium, 182 simbahan, 55 bus terminal, dalawang pantala at apat na paliparan.
I-po-poste rin ang security patrol sa mga residential area upang maiwasan ang pag-atake ng “salisi” o “akyat-bahay” gang.