Lumagda si Presidential Communication Operations Office o PCOO Secretary Martin Andanar ng isang memorandum para sa isang National Communication Policy sa buong bansa.
Naglalayon itong gawing pag-isahin ang paghahatid ng impormasyon at mensahe ng Pangulo sa publiko mula sa Metro Manila hanggang sa pinakaliblib na mga barangay.
Dagdag pa ni Andanar, tumagal aniya ng 19 na buwan ang kanilang pag-aaral hinggil sa naturang polisiya hanggang sa mapagtibay nila ito kahapon.
Ito na ang ikatlong polisiyang nilikha ng PCOO sa ilalim ng Administrasyong Duterte sunod sa FOI o Freedom of Information at ang Presidential Task Force on Media Security.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio