Tuloy ang national council assembly ng ruling party PDP Laban.
Tiniyak ito ni Party Vice Chairman at Energy Secretary Alfonso Cusi sa kabila nang inisyung memorandum ni Senador Manny Pacquiao, pangulo ng ruling party sa mga miyembro na huwag makiisa sa nasabing event.
Binigyang diin ni Cusi na kailangang ma-assess ang estado ng partido sa suporta nito sa party chairman na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Patapos na aniya ang kanilang mga termino at dapat na mabusisi kung ano ang mga na accomplish na ng partido at kung ano-ano pa ang mga kailangang gawin para patatagin ito bagamat kayang kaya ng ruling party na makipagsabayan sa mga talakayan batay na rin sa komposisyon ng PDP Laban National Council.
Iginiit ni Cusi na ang assembly ay bahagi ng demokratikong proseso na dapat niyayakap ng kada malalaking political party.
Muling tiniyak ni Cusi ang pagkakaisa at commitment ng uling party para maabot ang socio economic agenda ng Duterte administration.