Magkakasa ng National COVID-19 booster week ang Department of Health (DOH) sa September 26 hanggang 29.
Ito ay para mapalakas ang booster uptake sa general population.
Batay sa datos ng DOH, nasa 18.5 million Pilipino pa lamang ang nakatatanggap ng booster shots noong September 9.
Malayo ito sa 72.7 million Pilipinong fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Gayunman, sinabi ni DOH head assistant Lorra Angelia Sayson na makatutulong ang naturang booster week para maabot ang target ng PinasLakas campaign, na makapamahagi ng booster doses sa 50% o 23.8 million Pilipino sa loob ng 100 days ng administrasyong Marcos.