Iminungkahi ni Manila Mayor Joseph Estrada sa Pangulong Rodrigo Duterte, ang pag-uutos ng national curfew para sa mga menor de edad.
Ito ay matapos maglabas ng Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa ipinatutupad na curfew sa Manila, Quezon City at Navotas.
Sinabi ni Estrada na makabubuti kung mismong ang presidente na ng bansa ang mag-uutos ng curfew sa halip na ipapaubaya na lang ang pagpapatupad nito sa lokal na pamahalaan.
By Katrina Valle