Binalasa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Cybersecurity Inter-Agency Committee (NCIAC).
Sa ilalim ng Executive Order 95, pamumunuan na ng executive secretary ang NCIAC at co-chairman naman ang mga pinuno ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at director general ng National Security Council.
Inalis naman bilang co-chairman ang Department of Science and Technology (DOST) sa halip ay magiging miyembro na lamang ito ng komite.
Kasama pa sa mga miyembro ng NCIAC ang executive director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center, kalihim ng Department of Transportation (DOTr), governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Ang NCIAC ang nagbabantay sa mga posibleng banta sa paggamit ng internet at cybersecurity ng bansa.
Mandato rin nito ang mag isyu ng updated protocols sa lahat ng kawani ng gobyerno at mapalakas ang pagtutulungan at kooperasyon ng publiko at gobyerno laban sa hacking o cyber attacks.