Idineklara ni Russian President Vladimir Putin ang national day of mourning sa kanilang bansa.
Ito ay matapos ang insidente ng pagbagsak ng Russian military plane sa Black Sea sakay ang 92 katao.
Ayon sa Russian Defense Ministry, walang nakaligtas sa mga lulan ng TU 154 plane.
Kabilang sa mga tinitignang sanhi ng pagbagsak ng eroplano ay ang posibleng terorismo.
Tiniyak naman ni Putin ang malalimang imbestigasyon sa naturang plane crash.
By Ralph Obina