Aminado ang Department of Health na ‘worrysome’ na o dapat nang ikabahala ang pagsipa ng mga kaso ng dengue sa bansa.
Ayon kay ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 15 mula sa 17 rehIyon sa bansa ang nalagpasan na ang epidemic threshold ng dengue.
Bagamat hindi pa rin aniya dapat mag-panic, ay kailangang pagtulungan ng gobyerno at ng publiko ang mga hakbang upang masugpo ang dengue.
Mababatid na iminungkahi kahapon ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante na napapanahon nang ikonsidera ang pagaaral sa paggamit ng kontrobersyal na bakuna kontra dengue na dengvaxia.
Binigyang diin naman ni Vergeire na bukas ang gobyerno sa mga makabagong teknolohiya lalo na kung mayroon naman itong ebidensya upang maprotektahan ang mga Pilipino.