Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng mababang kapulungan ng Kongreso ang panukala para sa pagtatatag ng Philippine Electronic Health (E-Health System and Services).
Sa ilalim ng House Bill No. 10245 o ang “E-Health System and Services Act”, itatatag ang isang sistema na nagbibigay ng quality health information at mga serbisyo gamit ang Information at Communications Technology.
Kabilang sa mandato nito ay ang pagtatayo ng isang independent body na tatawaging E-Health Policy and coordination council na gagawa ng mga polisiya at hakbang para sa epektibong pagpapatupad ng E-Health System.
Ang pagkakaroon ng National E-Health System ay inaasahang magdudulot ng mas mabuting resulta ng kalusugan para sa bawat Pilipino. —sa panulat ni Hya Ludivico