Tatawagin nang Department of Economy, Planning, and Development o DEPDev ang National Economic and Development Authority.
Ito’y matapos na lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Republic Act No. 12145 o ang Economy, Planning, and Development Act noong Huwebes.
Layon nito na palakasin ang mandato, institutional independence at kapasidad ng ahensya bilang primary policy, planning, coordinating, at monitoring arm ng executive branch sa ekonomiya ng bansa.
Sinabi naman ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na sa pamamagitan ng paglikha sa DEPDev, matitiyak ang strategic continuity sa national development. - sa panulat ni Hya Ludivico