Posibleng magdeklara ng national emergency ang punong ehekutibo dahil sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sa ngayon ay hinihintay na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pormal na rekomendasyon ng magmumula sa agriculture department bago ito tuluyang ipatupad.
Dagdag pa ni Roque, binabalangkas na ng agriculture department ang rekomendasyon nito na maglalaan ng P1-B pondo sa indemnification at repopulation ng mga baboy sa lugar na hinagupit ng ASF.
Kabilang din dito ang pag-uutos sa mga lokal na pamahalaan na i-realign ang kanilang mga pondo para tugunan ang usapin ng ASF.
Bago nito, nagtakda ng price cap ang pamahalaan sa mga karneng baboy at manok.
Sa kasim at pigue itinakda ang presyo nito sa P270 per kilo, P300 sa kada kilo ng liempo habang P160 naman sa kada kilo ng manok.