Pagaganahin na ng pamahalaan simula Agosto A-Primero ang bagong National Emergency Hotline Number na 911 na kahalintulad sa Amerika
Batay sa ipinalabas na memorandum ng National Telecommunications Commission o NTC, inatasan nito ang lahat ng mga Telecom Companies na sumunod sa naturang Special Hotline
Dahil dito, 911 na ang siyang papalit sa dating Patrol 117 na dapat tawagan ng publiko para sa mabilis na pagtugon ng mga awtoridad sa anumang emergency
Kasunod nito, umapela ang NTC sa publiko na gamitin ng tama ang nasabing hotline at iwasan ang panloloko dahil tiyak na may paglalagyan ang sinumang gagawa nito
By: Jaymark Dagala