Nagdeklara na ng national emergency ang South Korea dahil sa nararanasang malawakang forest fire doon.
Ayon sa ulat, huwebes pa nang magsimula ang sunog malapit sa bayan ng Sokcho.
Umabot na sa siyamnaraang (900) trak ng bumbero ang nagtutulong-tulong para apulahin ang wild fire.
Nagpapahirap naman sa mga bumbero ang malakas na hangin na dahilan upang mabilis na kumalat ang apoy.
Samantala, aabot na sa apatnaraang (400) bahay at limandaang (500) ektarya ng lupain ang nasunog dahilan upang lumikas ang nasa mahigit apatna libong (4,000) residente.
—-