Hinimok ng isang eksperto ang pamahalaan na magdeklara na ng national emergency dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng HIV / AIDS sa bansa lalo na sa mga kabataan.
Ayon kay Research Institute for Tropical Medicine -Department of Health AIDS Research Group Head, Rosanna Ditangco, posibleng abutin pa ng limang taon bago makontrol ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa.
Batay aniya sa kanilang datos, nasa 32 bagong kaso ng HIV ang kanilang naitatala kada araw kung saan karamihan sa mga ito ay kabataan.
Sinabi ni Ditangco, isa sa kanyang nakikitang dahilan dito ay ang dumaraming bilang ng mga kabataang nagiging sexually active gayundin ang paglaganap ng mga online dating app.
Samantala, iminumungkahi naman ni Joint United Nations Programme on HIV / AIDS Country Director Lui Ocampo ang pag-institutionalize sa paggamit ng condom at pagiging accessible sa gamot na pre-exposure prophylaxis na nakatutulong magpapababa sa panganib na mahawaan ng HIV.
—-