Inihain sa kamara ang House Bill 10700 o “Dangal at Sigla ng Magsasaka sa Abono Pag-Asa Act”, na layuning tulungan ang mga magsasaka sa pagpaparami ng pananim sa gitna ng mataas na presyo ng pataba.
Alinsunod sa panukala, bibigyan ng “access” ang mga magsasaka sa mga fertilizer at tutulungang mapataas o maparami ang produksyon ng palay at iba pang agricultural products.
Halimbawa na lamang nito ang mga locally-produced na abono o pataba na mataas ang kalidad pero abot-kaya ang presyo.
Mayroon ding “fertilizer subsidy” para sa mga kwalipikadong magsasaka, lalo na sa panahong mataas ang presyo ng abono sa merkado.
Aabot naman sa 20 billion pesos ang panukalang pondo para sa implementasyon ng nasabing panukalang batas.-sa panulat ni Mara Valle