Ginugunita ngayon sa buong bansa ang National Flag Day.
Ito ang araw na unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas matapos ang magtagumpay sa Battle of Alapan ang mga rebolusyonaryo nuong 1898.
Karaniwan nang ipinagdiriwang sa Imus District ang National Flag Day kung saan unang iwinagayway ang bandila.
Kaugnay nito, inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang lahat ng sangay ng pamahalaan, mga business establishments, paaralan, mga institusyon at mga kabahayan na i-display ang bandila ng bansa mula ngayon hanggang sa araw ng kalayaaan sa June 12.