Sugatan at may tama ng bala sa hita ang isang hindi pinangalanang National Geographic Journalist, matapos pagbabarilin ang lugar kung saan nagsasagawa ito ng panayam sa isang drug dealer sa Chihuahua, Mexico City.
Base sa ulat, nasawi din ang nasabing drug personality dahil sa nangyaring pamamaril ng 4 na di nakilalang mga armadong kalalakihan.
Ayon sa Attorney Generals Office ng Chihuahua State, ligtas naman ang tatlong iba pa na kasama sa team ng journalist na mula sa isang international magazine at nagrerekord ng interview nang maganap ang shootout.
Sa ngayon nagpapagaling na sa isang lokal na pagamutan ang journalist habang nasa pangangalaga naman ng Attorney general’s office ang 3 pa nitong kasamahan.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga tumakas na gunmen.
Nananatili namang tahimik ang pamunuan ng National Geographic hinggil sa nangyaring shooting incident.