Posibleng bumili muli ang National Government ng karagdagang Sinopharm vaccine para sa isinasagawang vaccination program sa bansa.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, inaabangan pa ng gobyerno ang 1-M doses ng bakuna mula sa Sinopharm vaccine kung saan binigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) noong Hunyo.
Dagdag ni Domingo, posible bumili muli pa ang pamahalaan ng parehas na bakuna sa mga susunod na buwan.
Nauna rito, sinabi ni Domingo na Sinovac vaccine na gawa ng China ang karaniwang bakunang ginagamit sa bansa na sinundan ng Astrazeneca at Pfizer.
Samantala, ang Sputnik V naman ay ang pinakamababa pa rin sa limitadong suplay nito.
Ang Sinopharm ang ginamit na bakuna rin kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan naging kontrobersiyal ito.