Balik-operasyon na ang tanggapan ng National Housing Authority o NHA sa Region 1 at CAR 1 office -Baguio City ngayong araw.
Ito’y matapos suspendihin ang pasok sa ahensya dahil sa nangyaring magnitude 7 na lindol sa Abra kahapon.
Maliban sa nabanggit na opisina, balik normal operasyon na rin simula ngayong araw ang lahat ng NHA district at satellite offices sa Region 1 at CAR 1.
Patuloy namang nararamdaman sa iba’t ibang bahagi ng North Luzon ang aftershocks sa nangyaring lindol kaya patuloy ang paalala ng Phivolcs na magdoble- ingat.