Ilalarga ng gobyerno ang national identification system na naglalayong mapabilis ang pakikipag-transaksyon at serbisyo sa gobyerno.
Sa isinumiteng proposed 2018 national budget ng Malacañang ay naglaan si Pangulong Rodrigo Duterte ng dalawang (2) bilyong piso sa Philippine Statistics Authority para masimulan ang biometrics ID system.
Sa naging budget message ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, sinabi ng Pangulo na maaaring magamit ang naturang ID para sa aplikasyon ng passport, driver’s license at pakikipag-transaksyon sa SSS, Pag-IBIG, PhilHealth at NBI.
Umaasa rin ang Pangulo na makatutulong ang pagkakaroon ng national ID ito upang masiguro na ang mga tunay na mga benepisaryo ng conditional cash transfer program ng gobyerno ang makikinabang nito.
By Rianne Briones
National ID ilalarga na ng Duterte administration was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882