Patuloy na nagkukulang ang ibinibigay ng Philippine Statistics Authority (PSA) ng plastic version ng mga Philippine Identification System o PhilSys card.
Dahil dito, inihayag ng PSA na maglalabas muna sila ng National ID na nakaimprenta sa papel.
Ipinabatid naman ni Dennis Mapa, PSA head, ang paper ID ay ang digital version ng National ID, na iprinint sa papel.
Kaugnay nito, tiniyak ni Mapa na lahat ay magkakaroon ng plastic card na National ID kahit kumuha na ng paper version nito.
Maaari aniyang makakuha ng paper version ng National ID sa mga PhilSys registration center nationwide.
previous post