Isa nang ganap na batas ang Philippine Identification System Act.
Kahapon ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na layong magkaroon ng iisang ID para sa lahat ng mamamayan at banyagang nakatira sa Pilipinas.
Ayon sa Pangulo, malaki ang maitutulong ng “single national identification system” para magkaroon ng maayos at mapadali ang transaksyon sa mga pampubliko at pribadong tanggapan.
Tinatayang nasa dalawang (2) bilyong piso ang inilaan na pondo sa nasabing batas na nakapaloob sa 2018 national budget.
Samantala, pinawi naman ni Pangulong duterte ang takot ng publiko na nangangamba sa posibilidad na baka malabag ang kanilang “right to privacy” dahil sa mga impormasyon sa nakalagay sa national ID.
“Let me be very clear about this, the information that will be included in the Phil-ID will not be any different from the information already in the possession of the Philippine Statistics Authority or the former NSO (National Statistics Office), GSIS (Government Service Insurance System), PhilHealth, Pag-IBIG Fund, COMELEC (Commission on Elections), and other agencies that gather personal data.”
“There is therefore no basis at all for the apprehensions about the Phil-ID, unless of course that fear is based on anything that borders to illegal.” Pahayag ng Pangulong Duterte
—-