Nakahanda na si Pangulong Rodrigo Duterte na lagdaan ang panukalang National Identification System, oras na ito ay makarating sa kanyang tanggapan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang national ID system ay kasama sa priority legislation na isinusulong ng administrasyong Duterte.
Layon nitong pag-isahin ang iba’t ibang ID na ini-isyu ng gobyerno sa pamamagitan ng nag-iisang Philippine Identification System.
Sa ilalim ng panukala, ang Philippine Statistics Authority ang mangangasiwa at tagapag-ingat ng mga impormasyong nakarehistro sa Phil-Sys.
Matatandaang kapapasa lamang sa Bicameral Committee ang bersyon ng Senado ukol sa National ID system.
—-