Nanindigan si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na hindi makalalabag sa “right to privacy” ng mga mamamayan ang panukalang pagkakaroon ng national identification system.
Ayon kay Esperon, hindi maituturing na paglabag sa ‘privacy’ ng isang tao ang paglalagay ng pangalan, address at petsa ng kapanganakan nito sa ID.
Dapat aniyang tignan ito bilang isang “economic at social tool” gaya ng birth certificate na layuning ipakita ang pagkakakilanlan ng bawat mamamayan sa Pilipinas.
Sinabi rin ni Esperon na may inilaan nang dalawang bilyong piso ang gobyerno sa Philippine Statistic Authority (PSA) para sa proyektong ito ngayong taon.
Una rito, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, na ang mga natatakot lamang sa national ID system ay ang mga kalaban ng estado.
—-