Inaasahang maisasabatas na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine identification system kasabay ng kanyang State of the Nation Address o SONA sa Hulyo.
Ayon kay Ako Bicol Party-list Representative Alfredo Garbin, miyembro ng Bicameral Conference Committee, isa sa mga prayoridad ng Duterte administration ang national ID kaya’t inaasahan nilang malalagdaan na ito para maipatupad agad.
Dalawampung taon aniya ang binuno ng Kongreso mula pa sa panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos para makabuo ng national ID.
Binigyang diin ni Garbin na darating ang panahon na tanging ang national ID ang kikilalaning batayan ng pagkatao ng isang mamamayan ng Pilipinas.
“This will be the sole proof of identity of every Filipino citizen pagdating ng oras, the law speaks for mandatory coverage of all Filipino citizens, whether you’re living here or abroad, and even resident aliens will be covered, this mandatory so talagang covered nito lahat.” Ani Garbin
Sa ilalim ng Philippine national ID system, kukunin ang biometrics ng bawat Pilipino.
Kabilang sa mga impormasyong nakapaloob sa national ID ang finger prints ng sampung daliri at scan ng iris sa mata.
“Maraming gamit ito, in fact it can be used for the application for eligibility and access for social welfare, SSS, GSIS, PhilHealth, Pag-Ibig. By mere showing this ID, you can renew your passport or driver’s license, or you can inquire in tax-related transactions or registration and voting identification purposes, or even if you don’t have the ID, if all our government entities are equipped with scanning device, you can just present yourself and get your biometrics then they can ascertain your identity and transact business.” Pahayag ni Garbin
(Ratsada Balita Interview)