Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Senado ang panukalang National ID System.
Sa kanyang interpellation kahapon, binigyang diin ni Sen. Panfilo Lacson na hindi obligado para sa mga Pilipino ang pagkuha ng naturang ID.
Pero sinabi nito na tiyak na mahihirapan ang sinuman na Walang National ID dahil sa ito na ang siyang gagamitin sa mga transaksyon sa pamahalaan sakaling maisabatas
Sa ilalim ng bagong sistemang PHILSYS, may tatlong safe guards ang inilagay, ang PHILSYS number, PHILSYS id at PHILSYS registry.
Bukod naman sa pangalan, larawan, birth date at tirahan lalagyan din aniya ito ng biometrics.
Samantala, nakapaloob din sa panukala na aabot sa dalawang Bilyong Piso ang inisyal na kinakailangang pondo para sa pagpapatupad ng National ID System.
Magugunitang Setyembre nang nakaraang taon nang aprubahan sa huli at pinal na pagbasa sa House of Representatives ang katulad na panukala para sa National ID system sa bansa.