Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng national identification (ID) system.
Sa botong 142 na ‘Yes’ at 7 na ‘No’, habang wala namang abstention, ay tuluyan nang naipasa ng mababang kapulungan ang panukalang magkaroon na lamang ng iisang ID para sa lahat ng transaksyon sa gobyerno.
Sa ilalim ng House Bill 6221 o ‘Filipino Identification System’, ang mga Pilipino na nasa labing walong (18) taong gulang pataas ay mao-obligang kumuha ng ID sa PSA o Philippine Statistic Authority.
Maglalaman ang ID ng mga impormasyon ng may-ari tulad ng araw ng kapanganakan, estado sa buhay, saan nakatira, saan at kailan ipinanganak, sino ang mga magulang, blood type at iba pa.
Naglaan na ang Department of Finance (DOF) ng dalawang bilyong pisong pondo para sa national ID.