Mas naging mabilis sana ang pagtugon ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic kung naipatupad agad ang national ID system.
Pahayag ito ni Senador Sherwin Gatchalian sa harap ng tila pagkukumahog pa rin ng pamahalaan sa pagtugon sa banta ng COVID-19.
Ayon kay Gatchalian, ang national ID ang dahilan kayat mabilis na natukoy ng Taiwan at Singapore ang mga mamamayan nilang may travel history sa ibang bansa kayat naging mabilis ang contract tracing.
Hinikayat ni Gatchalian ang pamahalaan na agad ipatupad ang national ID system sa lalong madaling panahon upang matiyak ang mas mabilis na aksyon sakaling muling makaranas ng pandemic ang bansa.
Maaari ring magamit ang national id para sa mas mabilis na pagtukoy sa mga benepisyaryo ng cash subsidy at iba pang tulong ng gobyerno.