Problema para sa grupong Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN ang pagbuhay sa panukalang pagpapatupad ng national ID system sa bansa.
Ayon kay Renato Reyes, Secretary General ng BAYAN, malalagay sa kompromiso ang right to privacy ng lahat ng mamamayan kung mayroong national ID system.
Kung tutuusin anya ay hindi naman kailangan ng national ID para sa mga transaksyon sa gobyerno dahil sapat na ang unified ID system na ipinatutupad sa kasalukuyan.
Kung matatandaan anya idineklara ng Korte Suprema ang administrative order noon ni dating Pangulong Fidel Ramos para sa pagpapatupad ng national ID system.
Ang national ID system ay kabilang sa 10 point agenda na inilatag ng mga negosyante kay incoming President Rodrigo Duterte.
Bahagi ng pahayag ni BAYAN Secretary General Renato Reyes
Own agenda
Maglalatag ng sariling agenda sa Duterte administration ang mga progresibong grupo tulad ng BAYAN.
Isang araw bago ang inagurasyon ni incoming President Rodrigo Duterte ay nakatakdang makipagdiyalogo sa kanya ang mga ordinaryong mamamayan tulad ng ginawa ng mga negosyante.
Ayon kay Renato Reyes, Secretary General ng BAYAN, kabilang sa mga ilalatag nilang agenda ay tungkol rin sa ekonomiya, human rights, governance at foreign policies.
Bahagi ng pahayag ni BAYAN Secretary General Renato Reyes
Tax system
Progresibong pagbubuwis ang dapat na isulong sa Duterte Administration.
Reaksyon ito ni BAYAN Secretary General Renato Reyes sa panukala ng mga negosyante na tapyasan ang binabayarang buwis sa bansa kabilang na ang corporate tax.
Ayon kay Reyes, ang tunay na reporma sa pagbubuwis ay kapag mas maliit na buwis na ang binabayaran ng mga mababa ang kita kumpara sa mga mayroong kapasidad na magbayad o malalaki ang kinikita.
Bahagi ng pahayag ni BAYAN Secretary General Renato Reyes
Mainam rin anya ang panukala na repasuhin ang tax reform program ng pamahalaan.
Gayunman, dapat anya na tiyakin ng gobyerno na lilikha ito ng mas maraming trabaho para sa mga mamamayan.
Bahagi ng pahayag ni BAYAN Secretary General Renato Reyes
By Len Aguirre | Ratsada Balita